FS stands for Frozen Shoulder also known as Adhesive Capsulitis. Nosebleed.
Isang linggo na masakit ang kanang balikat ko. Lalo na kapag matagal kong hindi naigagalaw ie. pagkagising sa umaga. Mali kasi ang pagbuhat ko ng weights o masyado lang ata talaga mabilis yung "Harder, Better, Faster" ng Daft Punk at sinabayan ko naman. Ganoon kasi ako. Kelangan hanggang sa pagbubuhat nagpaparty. Ang kuripot ko rin kasi. Ayoko pa magbayad para sa gym membership. Ayan, sadness tuloy.
![]() | |
| Good morning pain! |
Ayon kay Wikipedia, madugo daw ang gamutan nito. Matagal pa. Minsan kaylangan pa daw ng surgery. Kamusta naman yon. Sabi sa akin ng friend ko na Speech Pathologist na may friend na Physical Therapist. Kelangan ko daw laging ginagalaw. Kundi magkakacontracture daw ako. Naman. Ayoko namang maging katulad nung abnoy sa Sparta.
![]() | |
| Wala kang sinabi Anne Curtis |
Ang sabi kelangan ko daw laging ginagalaw para hindi lalo sumakit at hindi mawalan ng range of motion. Kaya mukha tuloy na may Tourettes ako o nagchichicken dance sa daan. Kapag may nakita tayong nagkakampay ng kanang braso paulit-ulit habang naglalakad. Malamang ako yun. Say Hi!
![]() | ||
| Tanananananananan! |
Maawa ka sa akin balikat ko...



Update: Wala na ang FS ko! Congratulations to me!
ReplyDelete