"If we can love someone so much, how will we be able to handle it the one day when we are separated? And if being separated is part of life, and you know about separation well, is it possible that we can love someone and never be afraid of losing them? At the same time, is it possible that we can live our entire life without loving anyone at all?"
- Mew, The Love Of Siam
Mahilig ako maglista. Nung elementary, ako ang taga-lista nung mga noisy at standing. Pagdating ng highschool, pagsusulat sa slumbook naman ang trip ko. Nung nasa college, yung mga may utang sa akin ang nililista ko.
Malaki kasi ang tulong ng paglilista sa akin. Hindi ko na kelangan tandaan kung ano man yung bibilin ko sa grocery, mababalikan ko ang mga pagkakamali ko para hindi na sila maulit, mapa-prioritize ko ang buhay ko.
Hindi ko maintindihan ang mga taong walang priorities. Umaasa na lang sa mga superheroes. Lagi na lang sabi, “Bahala na si Batman”. Buti pa kung yung Diyos yung inaasahan nila, pero hindi, mas umaasa sila sa non-existent na nilalang. Take note, yung wala pang powers yung inasahan.
...
Nung una ko pa lang siya nakita, na attract na talaga ako. Ang cute niya kasi. Ang tahimik. Ang lean. Sa words ni Papa Coco, “Yummy”. Siya si Augustana, A for short. Eto ang istorya ng aming katapusan.
Madalas ako magpaservice sa kumpanya niya para lang makita ko siya. Wala kasi akong lakas ng loob para yayain siya lumabas at magkakilala ng mabuti. Ginagamit kong pagkakataon yung pagservice niya sa akin para makilala siya. Torpe pa rin kasi ako.
Hindi ko rin alam kung bakla siya. Sa larangan ng trabaho niya 99% ay mga bakla, pero hindi ko siya matunugan. Siya na siguro ang pinakapaminta sa lahat ng paminta. Yun rin siguro yung dahilan kung bakit na attract ako.
Hindi pa niya ako talaga kilala. Hindi ko rin siya masyado kilala. Ngunit nung sinabi nyang aalis na siya, lumukso ang puso ko. Nung sinabi niyang aalis na siya, nalusaw bigla ang utak ko at umakyat sa ulo ko ang puso ko. Nag-overdrive ang isip ko kung ano ang gagawin. Hindi ko pa siya kilala, aalis na siya. Natabunan ang dati kong ugali ng isang ugaling hindi ko kilala.
Isang taong laging game, isang taong sige sige lang, isang taong madalas magsabi, “Bahala na si Batman”. Hindi ako iyon, pero iyon ang umusbong na ugali sa akin. Hindi na ako naglilista, hindi na ako nagpaplano, at deep inside, nangangamba na ang tunay kong ugali. Nagpupumilit siya lumabas. Dahan-dahang nabubuo ulit ang utak ko at mula sa ilalim ay sinasapak niya ang puso kong namwesto sa trono niya.
Ang dami kong pinangako, na hindi ko malubos maisip kung bakit ko ginawa. Ang pinakamahirap na gawin sa buhay ay ang bawiin mo ang mga pinangako mo. Ang kainin mo ang pride mo. Mas ok pa ata kaininin yung Pride detergent.
Ngunit now or never na ang moment. Ayokong maging isang kasinungalingan ang aming pinagsamahan. Kahit hindi iyon ang ugali ko, iyon ang dinarama ng puso ko. Makikipagbreak na ako sa kanya dahil sa hindi nya ako kilala.
...
Ang hirap mag-explain. Sinabayan pa ng ulan ni Chedeng ang pagdadrama ko. Ang plano ko sa medyo mataong lugar ang usap para walang mageeksena, ngunit ayaw ni A. Sa sementeryo tuloy ang bagsak namin. Ang eksena, Iisa ang payong, sa ilalim ng puno, nakaupo sa sementong bench. Umuulan ng malakas. Ang titulo ng palabas, “Sinaktan mo ang puso ko.”
Take 1. Action!
Ako: Kinakabahan ako. Baka hindi tayo mag-work out.
A: Bakit mo naman nasabi yon?
Ako: Maraming bagay na hindi tayo nagmamatch. Yung pagyoyosi mo, yung mga plano mo sa buhay, yung nararamdaman kong ugali sa iyo. Feeling ko hindi ka pa ready sa relationship na ito. Ayokong pinipilit magbago ang isang tao. Dapat mabibilang lang ang mga compromises na gagawin natin para sa isa’t isa.
A: (tahimik)
Ako: Masyado tayo mabilis. Hindi pa tayo lubos na nagkakilala. Naniniwala ako na dapat talaga magsakto ang isat-isa para magwork out. Hindi tayo sakto.
A: Alam kong mabilis nga tayo. Pero hindi ka ba masaya kapag kasama ako? Ako masaya. Mahal kita. Gusto ko yung pinagsamahan natin. Gusto mo rin di ba? Hindi pa ba tayo match nun?
Ako: Masaya ako nung magkasama tayo. Oo. Pero pisikal lang iyon. Physically, oo match tayo. Emotionally rin dahil mahal rin kita. Pero mentally? Kulang ang time para makita kung match tayo mentally. Ayokong masira kung ano man meron tayo ngayon dahil sa pipilitin natin. Totoo ang pagmamahal ko sa iyo. At dahil sa mahal kita, hindi ko kakayaning lokohin ka. Mas masakit kapag nagsasama tayo at doon mo lang marerealize na hindi talaga tayo nagtutuma. Kahit hindi tayo namamatch ngayon, hindi naman nun ibigsabihin ay hindi na tayo magmamatch ever. Maybe one day magmamatch din tayo. Pero hindi ngayon ‘yon.
A: (tahimik)
Ako: Ayoko man sabihin, pero makikipagbreak na ako sa iyo.
Cut!
Ako: Direk ok ba? Direk? Ok lang ba yung mga lines ko? Ano masasabi mo?
...
Ilang araw pa lang ang lumilipas nung lumabas ang mga salitang iyon sa bibig ko. Makirot pa rin ang puso ko at alam kong iyon din ang nadarama niya. Hindi pa rin siya humihinto sa pagtext at pagtawag sa akin. Minsan ay gusto ko na rin bawiin ang mga sinabi ko at magkabalikan na kami. Pero kailangan ko tatagan ang loob ko. Hindi ako naghahangad na magbago siya para sa akin. Kung magbabago siya, dapat para sa sarili niya.
Kahit minsan ay wala akong narinig na demands mula sa kanya. Ang self-centered ko ba at ang selfish? O ibig sabihin lang ay walang kalaliman ang relasyon namin. Tina-try ko na i-share ang buhay ko sa kanya, ngunit pakiramdam ko ay parang kumausap lang ako ng hayop. NR, no response. Sa telepono, “The number you dialed is not yet in service”. Yun nga siguro. Naghanap ako ng bagay na wala pa sa kanya.
Tama ba ako na i-break siya?
Lalo na’t magiging long distance relationship kami, mas hihirap ang magiging relasyon namin. Gusto ko siyang lumaya. Gusto kong makilala pa niya ng mabuti ang sarili nya. Sisirain ko ang self-realization niya kung kasama niya ako. Kung magsasama kami, ang mga gusto ko ang masusunod. Hindi pwede iyon. Mahal ko kasi siya.
Maybe one day, magmamatch na tayo. Maybe one day, mapapatawad mo ako sa sakit na dinala ko sa iyong puso. Maybe one day, makakasama kita ulit kita sa kama, makakatira sa isang bahay, matatawag kong asawa.
Maybe, one day.
one day you would meet again. and you would soon realize that this space is worth it kung pareho pa kayong single by that time.
ReplyDeleteyou really think we needed some space? all he wants to do is be close, if not closer. i miss him and he misses me. what do i do? Im starting to think I made a mistake. I know he would accept me back but is it the right thing to do...?
ReplyDelete