Sorry sa aking mga avid readers (meaning kayong dalawa) at may katagalan ang sumunod kong post. Na in-love kasi ako. Yes, you heard me right! Een-Lowvuh. Ewwiee…
Itago natin sya sa pangalang Augustana. Kasi dinededicate ko sa aking sarili yung song nila at related din si boylet doon sa banda. Chos.
Nung una ko pa lang siya nakita, na attract na talaga ako. Service oriented kasi ang work niya. (Gaga, hindi siya callboy o escort. Hindi ko lang masabi specifically kasi baka basahin niya tong blog ko at hindi naman ako nagpaalam na isusulat ko siya. Kaya dapat vague lahat. Me ganon.) So ang ginawa ko, nagpaservice ako ng nagpaservice, para mapansin nya naman ako. Ang service na dapat once a month lang ay ginawa kong every two weeks. Wala pa-cute lang.
Tapos nung last ko na service nakwento nya na understaffed daw sila at di pa sila nakakakain sa dami ng clients. Umilaw ang bumbilya sa ulo ko.
Ting!
Super Pa-cute Moment!
Binili ko sila ng misterdonut. Sabi ko para sa staff para hindi obvious. Sabay abot ng number ko sa kanya. Ayun naging obvious din. (Ano ba kinakabahan ang lola mo at first time ko ginawa yon!) Sabi ko text nya ko kung may gimik sya.
After a few days nagtext naman si boylet. Tinatanong kung may gimik ako. Wala. Siya wala rin. Light bulb.
Ting!
Super Pa-cute Moment!
Tara gimik tayo!
Dinala ko siya sa isang comedy bar. Syempre dress to impress ako. Pero yung astig para hindi naman siya mabigla at ma-turn off. (Later na ang kapa ko at feathers. Sa higaan na lang.) Nag-ala rocker ako. Masikip na white t-shirt na may malaking print, black pants at jacket. Kulang na lang shades at pwede na ako kontrabida ni FPJ kaso gabi noon at baka madapa pa ako. Minus pogi points. Huwag.
Sakto, walang siyang kasama. Ako wala rin. Nung tinanong nya ako kung bakit wala akong kasama sabi ko short-notice kasi. Pero sa totoo gusto ko lang siya solohin.
Nauna ako at pinili ko yung table na malapit sa stage. Syempre para mapansin naman kami at trip ko rin kumanta para magpa-impress.
Enter na ang mga baklang entertainers, ayun na spot-tan agad yung ka-date ko. Naks. Magaling talaga ako mamili.
Kunyari mukha akong disinterested para hindi magskandalo ang mga loka.
Aba pinapakanta ang date ko. Game naman siya.
Husky voice, parang blender lang.
My turn, tabi mga bakla!
Banat ako ng With Arms Wide Open ng Creed. Sana ma-gets mo na kinakantahan kita.
Come to my arms baby!
Walang tanduay ice sa bar. Shet, iyon lang naman ang kaya kong inumin at ginagawa ko yong tubig.
Nagtiis ako sa Cali. Naka apat na bote na ako, nabusog lang ako. Order ako ng ilang cocktails kahit mahal. Sa 711 na lang mamaya ang tubig ko. Ang bagal ni boylet uminom, San Mig Light pa, parang namili lang sa starbucks. Pano ko ba to lalasingin?
Uwian na. Daan kaming 711. Nauuhaw na ako para sa alak. Bili ako ng apat na Tanduay Ice. Wala na akong paki, basta ako magpapakalasing.
Nag-inom kami habang naglalakad. Mahilig din pala siya maglakad. Saka para mas matagal ko pa siya masolo. Umupo kami sa isang madilim na waiting shed. Umaambon din kasi.
Medyo nahilo-hilo na ako pagkatapos ng dalawang bote. Mukhang malakas din pala yung mga ininom kong cocktails. Dalawang Vodka Tonic at isang Tequilla Sunset.
Si boylet madaldal na rin sa wakas. Tanduay Ice lang pala katapat. Nagkukwento na ng buhay niya at mga hinanaing. Ako nasa ulap na isip ko. Oo na lang ako ng oo. In and out of consciousness na.
Nung isang minuto nakatingin ako sa sahig, isang minuto sa kisame, isang minuto pa nararamdaman ko na yung malambot niyang labi sa labi ko.
Ang daya! Hindi ko man nakita kung paano nangyari yon. Pano ko iyon irereenact? Ako ba yung naglead o siya?
Lecheng alak, pero thank you na rin.
Lahat ng pent up libog ko lumabas. Ang sarap niya humalik. Ang huling bf ko hindi mahilig humalik, kulang tuloy ako sa practice. Pero sige lang. Buti na lang alas tres na ng madaling araw at wala nang tao sa daan kundi kulong kami sa iskandalong ginagawa namin.
After ng hindi mabilang na minuto ng halikan, solve na ako. Hindi pa ako kasi ready mag-all the way. He he he. Umiiral pa rin yung pagka-romantic ko. I-dadate mo pa ako dapat ulit.
Hinatid ko siya pauwi. Goodbye kiss.
Pagkauwi ko, umamin na ako sa ate ko.
To be continued…
No comments:
Post a Comment