| at namatay bigla ang 30% ng brain cells ko |
Pinangako ko sa sarili ko hindi kita pagiisipan pero hindi ko maiwasan, kaya, Congrats Mommy D! Iginawa kita ng post.
Imbyerna ka.
Kakalog-out ko lang ng email ko ng sumulpot ang article mo tungkol kay Sen. Miriam Santiago at ang RH Bill.
![]() |
| Round 1! Ting! |
eto ang link kung masipag ka magbasa:
At kung tinatamad ka magbasa, ang jist ay sumagot si Mommy D sa sinabi ni Sen. Miriam tungkol kay Manny at RH bill. But wait, may sinabi pa siya, insert...
"Tingnan mo, mga bakla, kaiinom ng pills, hindi na bagay inumin ng mga bakla kasi lalake sila. Ginagawa sila ng Diyos na lalake. Umiinom talaga sila ng pills para magsilaki ang dede. Bawal 'yan." - Dionisia Paquiao
Una sa lahat, Pro RH ako. Doon pa lang mag-aaway na tayo.
Sa dami ng pinaanak ko ng menor na menor de edad sa Tondo Medical Center, alam kong late na late na yang RH Bill na yan.
Nung tinanong ko yung isang katorse anyos na dalagita na nagluwal ng una nyang anak sa harap ko kung bakit naisipan niya mag-anak, ang sagot niya'y,
"Wala lang po, trip po naming magbabarkada."
![]() |
| Ako: Seryoso ka? |
Ikalawa, agnostic ako. Meaning, hindi ako naniniwala sa relihiyon. Sa Diyos oo. Sa relihiyon mo, hindi, at baka magkaiba tayo ng Diyos....
![]() |
| Image may not be representative of my point, but still... |
At dahil sa hindi mo ko karelihiyon, huwag mo ipagyabang sa akin ang sinasabi ng relihiyon mo. No effect sa akin yan.
Pano kung sabi pala ng Diyos ko na dapat pinapatay ang mga kasing pangit mo? Dapat ko bang sabihin sa iyo iyon? Hindi. Dapat ko bang gawin yon? Gusto ko talaga pero di pwede. Kaya tumahimik ka na rin at sinasayang mo yung oxygen sa planet Earth.
Ang RH Bill ay para sa LAHAT ng Pilipino. Maski Katoliko, Muslim, Christian, Pokemon, Jejemon at yours truly. Kaya please lang, shattap!
Pero may masasabi rin ako sa sinabi ng isa kong kalahi. Insert.
"Because of expensive hormones that only high-income transgenders can afford, we urban and poor rural gays and transgenders can only access the cheaper birth control pills." - Goya Candelario, spokesperson of ProGay
Hindi ko alam kung ano yang iniinom nyong birth control pills. Tinatamad ako magresearch, hehehe. Pero ang natutunan ko sa aking pagaaral ay kung hindi para diyan ang gamot na iyan wag inumin. Kasi hindi nila niresearch kung gagana yan dyan.
Kung poor pa edi magpaka-rich para makabili ng tamang hormones, pero wag naman i-rush ang mga bagay-bagay at baka pagsisihan.
Disclaimer lang ha. Hindi po ako cross-dresser, hindi ako trasgendered, hindi ako nagpipills at hindi ako nagpaplano na maging babae. M2M lang talaga ako. Pero sa iba kong kalahi na mentioned above. More power and beauty. Keep safe.
Nicko out.




No comments:
Post a Comment