Commercial lang. Now back to regular programming…
Sa mga hindi nakasabay heto ang first part. Ang nakaraan… (tinga-ninga-ning...)
…
Nagkita kami ulit ni Augustana (A for short) nung sumunod na gabi. Gabi kasi may pasok siya sa umaga at magiging issue kapag nakitang chinochorva nya ang client nya. Punta ulit kami sa comedy bar. Gusto ko talaga siya makilala ng mas mabuti, pero like before tahimik nanaman siya. At tulad dati, wala nanamang Tanduay Ice sa bar na to. Maglalaslas na ba ako para may mainom kaming Tanduay Ice? Iyon yata kasi ang dumadaloy sa ugat ko.
Napansin nanaman kami ng mga baklang performers kahit nasa likod na kami umupo. Si A kasi ang namili at ayaw niya sa spotlight. May something na sa mga ngiti ng mga sirena. Nakakaamoy na yata ng kadugo. Pero dedma lang. Kunyari tropa ko lang si A. Gusto ko rin kasing mag-enjoy siya at mukhang hindi pa siya kasing self-realized tulad ko.
Matagal bago ko natanggap sa sarili ko na bakla ako. Gapang kung gapang talaga ang progress. Pinilit ko pang magkagirlfriend. (What? Ewww.) Pero hindi talaga. Para sa lalaki ang tibok ng puso ko. Kaya alam ko ang nararamdaman nya ngayon. Kung hindi pa sya ready, hindi ko siya mamadaliin.
Natapos ang program. Lakad ulit kami. Hindi ako uminom masyado. Dapat may muwang ako. Kelangan makita ko kung pano ako nakabingwit ng isda. (Para sa next time, joke!) Umabot sa bahay niya ang paglalakad namin. Walang matinong paguusap ang naganap. Nalilito na tuloy ako kung ano itong ginagawa ko. Pero huminto siya ng paglalakad. Tapat sa ilalim ng puno. Madilim. Kapit siya sa baywang ko at sabay halik sa akin.
![]() |
| ...but kills your chance with me |
Ayoko sa nagyoyosi. Aside from the fact na masama iyon sa katawan ayon sa aking pinagaralan, masama rin iyon sa halikan. Kung hindi mo pa alam ang amoy at lasa ng isang tao nagyoyosi kapag hinalikan mo, kumuha ka ng isang ash tray, itaktak mo ang abo sa basurahan, tapos dilaan mo yung ash tray. Ngayon alam mo na. Sarap di ba?
Lalo pang mas malala ang sitwasyon kapag makikipaghalikan ka sa nagyoyosi at marami kang nainom. Hindi ko naikwento sa part 1 pero ganon ang nangyari nung una.
![]() |
| Ang sabi ng ibon, "Uwak, uwak". |
Pero keri lang, commercial lang yun.
Ayaw pa nya umuwi. So lakad ulit kami. Same place, same time. Iskandal nanaman. Mababad rep na ako sa Balanga. Ang echoserang frog na naglalaplapan sa waiting shed, now showing.
Like before, magtatapos ang gabi sa halikan. Pero may pa-grind-grind nang nagaganap. Shet, maaamoy mo na sa balat ko ang libog ko.
“Etits! Etits! Etits!”, ang sigaw ng utak ko.
To be continued...



No comments:
Post a Comment